top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga babala kontra text scam, wa' epek kung walang tutuluyan

BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

@Editorial | September 20, 2022


Patuloy na namamayagpag ang mga scammers. Hndi napapagod sa pag-iisip at paggawa ng kalokohan para makapanlamang ng kapwa.


Kaugnay nito, nagpalabas ng abiso sa publiko ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagsasaad ng mga hakbang para makaiwas sa scam, partikular sa text.


Sa inilabas na abiso, pinayuhan ang publiko na sundin ang ilang hakbang. Una, kung makatatanggap umano ng text message mula sa hindi kilalang numero at nag-aalok ng trabaho, premyo o pabuya, discounts at iba pa na mayroong clickable weblink, ito ay isang text scam message.


Kung ang matatanggap na mensahe ay kahina-hinala, huwag umano itong pansinin, huwag mag-reply at huwag i-click ang weblink.


Kuhanan ng screenshot ang mensaheng natanggap kita ang numero ng sender at i-report sa konratextscam@ntc.gov.ph. Puwede rin i-upload sa website ng NTC sa https://ntc.gov.ph


Kapag nai-report na, i-block ang numero at i-delete ang scam message.


Nauunawaan natin ang mga awtoridad, ang kanilang mga hakbang na nagsasabing kailangan ang tulong ng bawat isa para hindi labanan ang mga scammers.


Pero, hindi kaya kulang lang sa bangis ang gobyerno o ang NTC kaya malalakas ang loob at matitibay ang pagmumukha ng mga scammers?


Hindi dapat pinaiikot ng iilan ang sambayanan. Hindi sila dapat malayang gumagawa ng kalokohan na para bang walang kinikilalang batas.


Maaaring mahina o hindii epektib ang puro babala, dapat tuluyan na. Ilantad ang pagmumukha ng mga scammers, tugisin ang lahat ng sangkot at panagutin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page