Mga armas ng NPA, narekober sa bodega
@Balitang Probinsiya | January 16, 2022
NUEVA ECIJA–Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng mga armas sa kuta ng mga New People’s Army (NPA) kamakalawa sa isang bodega sa Bgy. Minuli, Caranglan.
Ang nakumpiskang armas ay M203 grenade launcher, tatlong M-14 armalite rifles at iba’t ibang uri ng bala.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas na nakatago sa bodega.
Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang bodega at dito natagpuan ang mga armas at bala.
Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA.



Comments