Mga armas ng NPA, narekober
@Balitang Probinsiya | July 17, 2023
MOUNTAIN PROVINCE -- Narekober ng mga awtoridad ng 19 na armas sa isang kuta ng mga komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng bayan ng Besao sa lalawigang ito.
Ang nakumpiskang armas ay iba’t ibang uri ng mga high powered firearms at mga bala.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad tungkol
sa mga armas ng mga NPA na nakaimbak sa kuta ng mga ito sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas at mga bala.
Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa lalawigan.



Comments