Mga armas ng NPA, narekober
- BULGAR
- Jul 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 14, 2023
SORSOGON -- Nakarekober ang mga awtoridad ng mga armas sa isang kuta ng mga komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Calpi, Bulan sa lalawigang ito.
Ang nakumpiskang armas ay tatlong KG9 rifles at iba’t ibang uri ng mga bala.
Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas ng mga NPA na nakatago sa nasabing lugar.
Agad na sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas at mga bala.
Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nasabing lalawigan.



Comments