- BULGAR
Mga armas ng komunista narekober
@Balitang Probinsiya | June 4, 2022
TARLAC–Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng mga armas sa kuta ng mga New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Burgos, San Jose.
Ang nakumpiskang armas ay galil, dalawang armalite rifles, M203 grenade launcher, shotgun at iba’t ibang uri ng bala.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas ng mga NPA na nakatago sa nasabing lugar.Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas at mga bala.
Naglunsad na ngayon ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nasabing lalawigan.