top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Mga armas at pampasabog ng NPA, narekober

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 15, 2023


ILOILO -- Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala at mga pampasabog sa kuta ng mga komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Barasalon, Janiuay sa lalawigang ito.


Ang mga narekober ay dalawang armalite rifles, isang kalibre .45 pistola, walong IED o improvised explosives device at iba't ibang uri ng bala.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad patungkol sa kuta ng mga NPA sa nasabing lugar.


Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang nabanggit na lugar, pero nakatakas ang mga NPA at dito natagpuan ang mga nakatagong armas ng mga komunista.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng gobyerno ang mga tumakas na NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page