top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga aksidente sa EDSA dahil sa barrier, ‘wag balewalain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 16, 2020



Isang ambulansiya ang sumalpok sa mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA southbound malapit sa kanto ng Scout Borromeo sa Quezon City, kahapon ng umaga.


Sa lakas ng impact, nawasak ang kanang unahang bahagi ng ambulansiya. Nadurog din ang dalawang concrete barrier. Wala namang pasyenteng sakay ang naaksidenteng ambulansiya.


Ang nasabing mga barrier ay inilagay sa kalsada para ihiwalay ang bus lane. Gayunman, ilang sasakyan na ang sumalpok dito.


Kasunod nito ang mga panawagan na alisin na ang mga barrier dahil nagiging takaw-aksidente pero, nanindigan ang mga awtoridad na hindi ito tatanggalin sabay hirit na karamihan daw sa mga insidente ay kasalanan ng drayber.


Siguro, hindi naman kalabisan kung pag-aralan din munang maigi kung ang mga barrier ba ay nakatutulong o nakadaragdag lang ng problema. Umiiwas sa trapik pero, nalalapit sa disgrasya na ang ending ay malalang trapik din.


Ang tanong tuloy ng mga motorista, “Ilang aksidente pa ba ang kailangang mangyari bago ito alisin?”


Nauunawaan natin ang kagustuhan ng ating gobyerno na mailagay sa ayos ang ating trapiko lalo na at marami talaga ang pasaway pero, sana’y maunawaan din ng kinauukulan na may mga batas o panuntunan na kung hindi talaga uubra ay hindi na dapat pinipilit pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page