top of page

Meralco, nakipagsabayan sa sale ng Lazada at Shopee! 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2020
  • 2 min read

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | September 13, 2020



Hello, Bulgarians! Kasabay ng inaabangang 9.9 sale ng Lazada, Shopee at ibang mga retail stores, inanunsiyo rin ng Meralco na may bawas-presyo din sila para sa buwan ng Setyembre. Ito na ang pang-limang sunud-sunod na buwan na bumaba ng kabuuang presyo ng kuryente at record low pa ito sa loob ng tatlong taon. 

Ayon sa Meralco, bumaba ng Php 0.06/kWh ang presyo ng kuryente ngayong buwan kumpara noong Agosto 2020. Php 12.00 na savings ito sa isang ordinaryong customer na kumokonsumo ng 200kWh sa isang buwan. Kung susumahin ang lahat ng ibinabang rates ng Meralco simula pa Enero 2020 ay umabot na ng Php1.43/kWh. Bes, malaking tulong ito sa mga customer tulad ko na naniniwalang kahit anong diskwentro ay siguradong makatutulong lalo na ngayong pandemya.  Bukod pa rito, ang pagbaba ng rates ay dahil sa paggamit nito ng probisyong “force majeure” na nakasaad sa mga kontrata sa suppliers ng kuryente. Malaki kasi ang binagsak ng demand ng kuryente simula nang mag-umpisa ang community quarantine kaya naman nagamit ito ng Meralco at napababa ang pass-through na generation charge. Sa huling 6 na buwan, Php 2.4 bilyong savings na ang naidulot ng force majeure.  Ngayong Setyembre, halos Php 463 milyon ang naibawas nito sa singil ng suppliers kaya bumaba ng Php 0.17/kWh ang generation charges ng customers. Sabi pa ng Meralco, kung wala ang force majeure claims, baka tumaas pa ang presyo ng kuryente ngayong buwan. Salamat naman at hindi nauwi sa ganito ang sitwasyon.   Bumaba din umano ang presyo sa spot market dahil sa mas mababang demand ng kuryente bunsod na rin ng pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng franchise area ng Meralco noong Agosto.   Hindi pa rin sinisingil ang Universal Charges at FIT-ALL, ayon na rin sa utos ng Energy Regulatory Commission o ERC. Nawa’y magtuluy-tuloy ito para na rin sa consumers.  Malaking kontribusyon din umano sa sunud-sunod na pagbaba ng kuryente ang mga bagong kontrata o Power Supply Agreements ng Meralco. Simula nitong taon naramdaman na natin ang impact nito at puro good news na ang natatanggap natin pagdating sa usaping presyo ng kuryente.   Ang halos kalahating taon na buwanang “sale” at diskwentro ng Meralco ay isa  sa mga balitang talaga namang nakagagaan at nakababawas sa mga iniisip ng mga Pinoy. Nasa kalagitnaan pa lamang tayo ng laban sa pandemya at ramdam na ang epekto nito sa ating kabuhayan, kaya anumang kabawasan sa mga bayarin ay malaking tulong na.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page