top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mekaniko, tiklo sa boga at mga bala

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 31, 2021



LA UNION—Isang mekaniko ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa Tabtabungao, Rosario.


Ang suspek ay nakilalang si Janvier Dungan, residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad sa bahay ni Dungan at dito nakumpiska ang .45 pistola at mga bala.

Hindi nanlaban at kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya sa loob ng kanyang bahay.


Nakapiit na si Dungan na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page