Mekaniko, arestado sa 2 baril
@Balitang Probinsiya | December 21, 2021
ALBAY--Isang mekaniko ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Tuburan, Ligao City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Carlos Garcia, 45-anyos, at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Garcia sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang .45 pistola, .38 revolver at mga bala.
Hindi naman nanlaban si Garcia nang dakpin siya ng mga awtoridad
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 2 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments