Medical Officer ng NPA, sumuko
- BULGAR
- Oct 22, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Oct 22, 2021
NUEVA VIZCAYA—Isang medical officer ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bayombong.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.
Nabatid na isinuko rin nito sa mga awtoridad ang dala niyang armas at subersibong dokumento.
Nais na umano nitong magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa gobyerno.
Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan



Comments