top of page

Mayor ng Tagapul-an, Samar, sugatan sa pamamaril

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 16, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sugatan ang alkalde ng Tagapul-an, Samar na si Vicente M. Limpiado, Jr., matapos na pagbabarilin kanina, bandang alas-8:50 ng umaga.


Sa inisyal na report ni PNP spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, paalis na ang alkalde sa kanyang farm sa Barangay Sogod, Tagapul-an, nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek. Tinamaan sa likod si Mayor Limpiado na agad namang dinala sa ospital.


Ligtas na ang alkalde sa naganap na pamamaril.


Inatasan na ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa ang Police Regional Office 8 na suyurin ang naturang lugar upang mahuli ang mga salarin.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page