top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maynila ‘malakas at ligtas sa kabila ng COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo - @News | July 2, 2020




Sinabi ni Mayor Isko Moreno na ang Maynila ay ‘malakas at ligtas sa kabila ng COVID-19

Ayon pa kay Isko ay mataas ng koleksiyon ng kita at patuloy ang paglilinis ng mga operasyon ng social welfare programs sa kanyang unang taon bilang alkalde ng lungsod.

Nagpakita ang City Treasurer’s Office na ang Maynila ay nakakolekta ng P12.441 bilyon sa gitna ng tax amnesty at COVID-19 pandemic.

Batay pa kay Moreno ay maraming mga negosyo ang naitatag sa capital ng bansa sa ilalim ng pamumuno nito na may 8,665 na newly-registered businesses at renewed businesses.

Sa pamumuno ni Moreno, nakuha ng Manila Department of Public Services (DPS) ang 566,904 toneladang basura na higit sa 112,981 na mga trak ng basura

Ang pamahalaan ng Maynila ay nagawa ring magbigay ng trabaho sa mahigit 5,000 residente nito simula Hulyo 2019 hanggang Hunyo 2020.

Sa kabuuang bilang ng mga residenteng nagtatrabaho, 555 ang mga senior citizen at 96 ang mga taong may kapansanan o Person With Disability (PWD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page