top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May kasong child trafficking nasakote

BULGAR
Dec 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 17, 2022


CAMARINES NORTE—Isang lalaki na may kasong child trafficking ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Capalonga.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Republic Act 7610 na mas kilala sa tawag na child trafficking.


Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang itong natiyempuhang madakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page