Wanted na killer arestado
@Balitang Probinsiya | Pebrero 27, 2023
QUEZON—Isang wanted na killer ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Mangalang 1, Sariaya sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Emerson Cornel, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Cornel kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.



Comments