top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May epilepsy, dedo sa bangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 09, 2023



Benguet -- Isang 50-anyos na lalaking may sakit na epilepsy ang natagpuang patay kamakalawa sa ibaba ng bangin na sakop ng Bgy. Banangan, Sablan sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng biktima.


Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.


Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalakad sa gilid ng bangin.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong sinumpong ng kanyang sakit na epilepsy ang biktima kaya nahulog ito sa bangin na may lalim na 50 talampakan na humantong sa kanyang kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page