top of page

May bilog at magulong unang bahagi ng heart line, tanda na mabibigo sa first love

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| September 23, 2020


ree


KATANUNGAN

  1. Wala akong girlfriend, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan ako magkaka-girlfriend?

  2. May nililigawan naman ako ngayon, kaya lang, parang wala siyang gusto sa akin kasi tuwing sinusundo ko siya sa office nila, hindi naman niya ako pinapansin o kinikibo kapag magkasama kami sa sasakyan o kalsada. Madalas tuloy akong nagmumukhang tanga kapag kasabay ko siya.

  3. Ano sa palagay mo, Maestro, dapat pa bang ipagpatuloy ang panliligaw ko sa kanya at may pag-asa ba akong sagutin ng babaeng ito balang-araw kapag nagtiyaga pa ako?

KASAGUTAN

  1. Sa ganyang sitwasyon ng iyong buhay kung saan kapag sinusundo mo pala ang nililigawan mo, pero iniisnab at hindi ka kinikibo man lang, malamang na kapag nagtiyaga ka pa, lalo kang magmumukhang tanga, hanggang sa paulit-ulit kang biguin ng iyong nililigawan.

  2. Ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay itigil na ang panliligaw sa nasabing babae, sapagkat kung magpapatuloy ka sa pagsundo sa kanya sa kanilang opisina pero hindi ka naman pala kinikibo o kinakausap, ang manyayari ay naghahanap ka lang ng sakit ng katawan, damdamin at bulsa. Kumbaga, gagastos ka lang at nagsasayang ng oras sa isang tao dahil wala naman talaga siyang gusto sa iyo. Ito ang nais sabihin ng may bilog at magulong unang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na tanda na sa malapit na hinaharap, maba-basted at mabibigo ka lang ng iyong nililigawan.

  3. Subalit kailangang mangyari ang unang kabiguan sa pag-ibig upang sa susunod na panliligaw, unti-unti ka nang matuto at kapag marunong ka nang manligaw, madali ka nang magkaka-girlfriend sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. Gayundin, ang mga babaeng masungit at hindi palakibo ay kusa mo na ring magiging kaibigan.

  4. Ang pag-aanalisang pagkatapos mabigo sa unang pag-ibig ay magtatagumpay ka na sa mga susunod ay madali namang kinumpirma ng gumanda at naayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa 2021, sa edad mong 25 pataas, tiyak ang magaganap dahil magkaka-girlfriend ka at sa larangan ng pakikipagrelasyon, makasusumpong ka na ng wagas at panghabambuhay na pag-ibig.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, James, kung patuloy kang manliligaw sa babaeng nabanggit, maba-basted ka lang at pagkatapos mabigo sa unang pag-ibig, sa susunod na panliligaw sa 2021, sa buwan ng Abril o Mayo, mabilis ang magaganap. Mahuhulog ang loob mo sa isang mababa ang height, maputi at medyo chinitang babae. Gayundin, kusa mo siyang kakaibiganin at magiging kaibigan ka rin niya, hanggang sa makabuo kayo ng kakaibang ugnayan na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page