Mautak na sa pagpirma ng kontrata ang NBA players
- BULGAR
- Jun 23, 2020
- 1 min read
ni ATD - @Sports | June 23, 2020

Apektado ang lahat ng sporting events dahil sa pamiminsala ng coronavirus.
Malaking perwisyo ang COVID-19 lalo na sa NBA dahil malaki na ang nalulugi sa kanila kasama ang salary cap.
Nagiging mautak ang players lalo na sa pagpirma ng kontrata kaya tiyak na mag-iisip sila ng mabuti bago gumawa ng desisyon.
Kagaya ni basketball star Anthony Davis na pipirma lamang ng one-year contract sa Los Angeles Lakers.
Isang agent ang nagsabi kay NBA analytics pioneer at front office insider John Hollinger na may sense ang gagawin ng mga players na mag-sign ng short-term deal ito'y dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.
"It's just too much unknown," saad ng agent kay Hollinger. "It probably makes sense for everybody to sign a one-year deal. Even the big free agents—like Anthony Davis—sign a one-year deal [this summer] and see what the numbers are for '21 and sign a contract based off the projections for that."
Target ng nasabing liga na ikasa ang 2019-20 NBA season sa katapusan ng July at kahit sa Walt Disney World sa Orlando Florida ipagpapatuloy ang laban ay malaki pa rin ang malulugi dahil ilan lamang ang puwedeng makapunta na fans para manood ng laban.
Comments