top of page

Matupad sana ang mga pangako sa SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 30, 2025



Editorial


Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., muling umasa ang sambayanang Pilipino. 


Mula sa edukasyon at kalusugan, hanggang sa agrikultura, enerhiya, at kapayapaan — puno ng magagandang layunin at pangako ang kanyang talumpati. 


Ang tanong ng taumbayan: Kailan ito maisasakatuparan?Isa sa mga sentrong punto ng SONA ay ang pagtutok sa edukasyon. Dagdag-guro, scholarships, libreng laptops at internet access.Pinalakpakan din ang pahayag na wala nang babayaran sa mga pampublikong ospital. Napakalaking bagay sana nito lalo’t marami pa rin ang ayaw magpagamot dahil mas takot sa gastusin.


Malaking punto rin ang kanyang pangako na pananagutin ang lahat ng palpak sa serbisyo-publiko at sangkot sa mga anomalya sa proyekto ng gobyerno.Sa lahat ng ito, malinaw na ang SONA 2025 ay puno ng ambisyon. Ngunit ang mga salita ay hindi sapat.


Ang bawat binitiwang pangako ay may kaakibat na pananagutan. 


Hindi ito simpleng listahan ng mga gustong mangyari kundi isang kontrata sa sambayanan.Sana ay hindi lamang ito maging bahagi ng taunang seremonya. 

Sana ay maging simula ng tunay na pagbabago. Dahil ang Pilipino ay marunong umasa — ngunit mas natuto nang maghintay, magtanong, at maningil.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page