top of page

Matapos buntisin… Dalaga, takot sa pambabanta ni tito

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 30, 2023
  • 1 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | October 30, 2023

Dear Sister Isabel,


Gusto kong ibahagi ang kuwento ng aking buhay sa inyo. 18 yrs. old pa lang ako ngayon.


Ulilang lubos na ako, kung kaya napagdesisyunan ng tito ko na kupkupin ako. Hindi ko alam na may pagnanasa pala siya sa akin. Pinasok niya ako sa kwarto at pilit akong

pinagsamantalahan. Kalaunan ay nabuntis ako, pinagbantaan niya ako na 'wag ko umanong sasabihin na siya ang ama ng dinadala ko. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Palaki na ng palaki ang tiyan ko. 'Di ko alam ang aking gagawin.


Tulungan n'yo ako, Sister Isabel.

Nagpapasalamat, Lorry ng Malabon


Sa iyo, Lorry,


Karumal-dumal ang ginawa ng tito mo sa iyo. Sa halip na pagmalasakitan ka niya, ganyan pa ang ginawa niya sa iyo. Lakasan mo ang iyong loob.


Kung maaari, lumapit ka sa iyong teacher at magpatulong o 'di kaya naman sa tita mo na nagmamalasakit sa iyo. Umalis ka na r'yan, pumunta ka tita o teacher mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iyong problema.


Dapat na makulong ang tito mo upang matauhan siya. Huwag kang mag-aksaya ng panahon.


Gabayan ka nawa ng Diyos sa problemang kinakaharap mo, kumilos ka na at sundin mo ang aking payo. Makakaasa ka, ipagdarasal kita. May magandang bukas pang naghihintay para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa.

Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page