top of page
Gary V. - IG.jpg

Mataderong rapist, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2024

BULACAN -- Isang mataderong rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Wawa, Balagtas sa lalawigang ito.

 

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rominik Rey, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lalawigan.

 

Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape. 

 

Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga otoridad sa kinaroroonan ng suspek kaya agad silang rumesponde at inaresto ang nasabing rapist.

 

Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page