top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mata, braso, bilbil, boobs, pati kulay, basta may pambayad daw… "PROUD RETOKADA HERE!" — ANGELINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2020
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 2, 2020




“Eyelid surgery, Arm liposuction, Belly liposuction, Thermage, Breast reduction, Nose surgery. Hindi ko po ginawa 'yan pero nagpa-consult po ako noon hindi ko po itinuloy.


“Glutathione injection, bihira po dahil mas maputi po talaga ako nu'ng kabataan ko. Proud retokada here. Mabuhay po tayong lahat," ito ang caption ni Angeline Quinto sa maganda niyang larawan na ipinost sa kanyang IG account.


Halos lahat ng binanggit niya ay may check o aminadong niretoke na maliban sa ilong na nilagyan niya ng cross.

“I love you and Thank you very much, Mommy @victoria_belo @belobeauty #StopTheHateJustLove.”


Inamin din ng dalaga ang pagpapa-liposuction o nagpabawas siya ng upper bumper niya dahil nabibigatan daw siya.


“Proud Retokada Here,” with matching heart emoji.


Nabanggit din ni Angge na hindi siya nahihiya o itinago ang pagiging retokada niya as long as pera naman niya ang ipinambabayad at wala siyang nasasagasaang tao.


“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.


“Never ko ikinahiya kung ano ang mga ipinagawa ko. At hanggang ngayon, napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho 'yun at kung may pambayad naman, bakit hindi?


“Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka, eh. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipambabayad.

“Kesa ho manggaling sa ibang tao 'yung IPAMBABAYAD, mas pangit ho. #RetokePaMore,” katwiran ng Kapamilya artist.


“Thank you Anak. Hope to see you soon,” sagot naman ni Dra. Vicki Belo.


Sabi rin ni Dr. Hayden Kho, “How sweet! We miss you @loveangelinequinto!”


Umabot naman sa 20.3K likes ang pag-aming ito ni Angeline.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page