Masuwerteng araw, petsa at buwan kung kailan dapat tumaya sa lotto para sure na manalo
- BULGAR

- Sep 18, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 18, 2020
Dear Maestro,
Isa akong solo parent at may dalawang anak, gayundin, hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Pero ngayon, ako ay isang tindera sa palengke at nangangarap ding yumaman. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman ang aking masuwerteng buwan, taon, kulay at numero dahil mahilig din akong makipagsapalaran sa lotto. Sana ay maturuan n’yo rin ako kung ano ang aking masuwerteng numero, araw at petsa kung kailan dapat tumaya.
Gayundin, sana, matulungan n’yo kaming makaahon sa kahirapan alang-alang sa mga magulang ko na tumanda nang hindi guminhawa ang buhay at sa mga anak kong gusto kong mabigyan ng magandang kinabukasan. December 4, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Janna ng Rizal, Muñoz, Nueva Ecija
Dear Janna,
Ayon sa birth date mong 4, sa destiny number na 9 (naging 9 ang destiny number mo dahil 12+4=1991=2007/ 20+07=27/ 2+7=9) at sa zodiac sign na Sagittarius, mapalad ka sa mga numerong may sumatotal na 1, 7, 8 at 9 tulad ng 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, 17, 26, 35, 44, 18, 27, 36, 45, at iba pang kauring numero. Ikaw na ang bahalang mag-isip ng kumbinasyon ng nasabing mga numero base sa iyong intuition o matalas na pakiramdam.
Samantala, bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa kulay na dilaw at pula, habang ang kulay na puti at berde ay puwede mo ring gamitin paminsan-minsan.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa buwan ng Abril hanggang Marso, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre at sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, higit lalo sa ikalawa at ikatlong linggo ng Hulyo.
Significant at favorable years mo naman ang taong kasalukuyan, 2021, 2022, 2023, 2024 at 2025, lalo na sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre. Sa mga panahong nabanggit, mataas ang tsansa na bigla kang manalo ng malaking halaga sa anumang uri ng pakikipagsapalaran na magiging daan upang maiahon sa kahirapan ang iyong buong pamilya, higit lalo kung sa panahong ‘yun ay malayung-malayo ka na sa sinilangan mong bayan.
Dahil ang isa pang bertud o anting-ating na pampasuwerte upang tuluy-tuloy kang yumaman at magtagumpay sa buhay ay ang paglayo sa sinilangang bayan. Tulad ng nasabi na, Janna, sa sandaling nagawa mo ang rekamendasyong nabanggit o ang paglayo sa sinilangang bayan, sa malayong lugar ka uunlad at tiyak na liligaya hanggang sa tuluy-tuloy na ring yumaman.




Comments