Masahistang tulak, huli sa buy-bust
- BULGAR
- Oct 24, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 24, 2022
AKLAN—Isang masahistang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Elmer Castro, 29-anyos, nakatira sa bayan ng Kalibo sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay kaya nadakip ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments