top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas malaking budget sa 4Ps, mas maraming matutulungan

BULGAR
Aug 24, 2022
1 min read

@Editorial | August 24, 2022


Tinaasan pa ang panukalang budget na inilaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa taong 2023.


Base sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program (NEP) sa House of Representatives, nasa P7.9 bilyon ang itinaas kaya aabot hanggang P115.6 bilyon ang magiging pondo para sa flagship poverty alleviation program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa P107.7 bilyon ngayong 2022.


Ipinaliwanag naman ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong target ang 4Ps sa annual basis, kung saan nasa 4 milyon ang beneficiaries at mayroon ding ina-apply na compliance rate.


Samantala, sakaling maaprubahan ang panukalang mas mataas na budget, umaasa tayo na magiging mas maayos at patas ang pamamahagi nito.


Magtuluy-tuloy sana ang paglilinis sa listahan ng mga benepisaryo, ang mga walang 'K', out. Habang ang mga karapat-dapat na tumanggap sa tulong, sila naman ang bigyan ng pagkakataon.


Batid naman natin na higit sa ayudang ibinibigay, ang pinakalayunin ng 4Ps ay ang pansamantalang maalalayan ang mga higit na nangangailangan at para matulungang magpursige pa hanggang sa sila naman ang makatulong sa iba.


Ang mga mag-aaral na inaalalayan ng 4Ps ngayon, ay sila naman ang makakahanap ng mas maayos na trabaho 'pag nakapagtapos, na susuporta sa pamilya at tutulong din sa kapwa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page