Mas mabigat na parusa sa mga pasaway sa kalsada
@Editorial | July 11, 2022
Bagama’t nabawasan ang mga sasakyan sa kalsada dahil sa non-stop oil price hike, sadyang hindi pa rin nawawala ang grabeng trapik.
‘Ika nga, sa trapik may forever.
Kaugnay nito, inatasan na ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na linisin ang mga pangunahing kalsada at mga alternatibong ruta sa kani-kanilang nasasakupan mula sa lahat ng mga sagabal sa daloy ng trapiko.
Ang problema, magsasagawa ng clearing operation ngayon, bukas makalawa balikan na naman ang mga pasaway na ginagawang parking space ang lansangan.
Ang daan na para sana sa motorista, eh, nagiging parking slot ng mga bahay at pati ng mga business establishments. Hindi ba kayo nahihiya? Malamang, hindi.
Itong pagbara sa mga looban ay nagdudulot ng bottleneck sa mga major at alternative roads, lalo na sa Metro Manila.
Kaya panahon na para tuluyang matuldukan ang ganitong pang-aabuso sa mga kalsada na para dapat sa motorista.
Kung kinakailangan ng mas matindi-tinding parusa na talagang may mga masasampulan, eh, gawin na.
Dapat mas tutukan ng mga LGUs ang problemang ito at patawan ng parusa ang matitigas ang ulo.



Comments