top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Mas istriktong pamantayan sa pagbibigay ng driver’s license

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 6, 2025



Editorial

Araw-araw ay nagiging saksi ang kalsada ng iba’t ibang insidente, mula sa simpleng banggaan hanggang sa malulubhang kaganapan.


Kadalasang sanhi nito ay kapabayaan, kawalan ng disiplina, at kakulangan sa kaalaman ng mga drayber. 


Kaya’t nararapat lamang na mas higpitan ang proseso ng pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.


Sa kasalukuyang sistema, ‘di maitatanggi na marami ang nakakakuha ng lisensya sa kabila ng kulang sa pagsasanay, kaalaman sa batas-trapiko, at tamang asal sa daan. 


Hindi sapat ang simpleng written at practical exams, kailangan ng mas komprehensibong pagsusulit, mahigpit na background check, at mas mataas na antas ng training na hindi lamang nakatuon sa pagpapaandar ng sasakyan kundi pati na rin sa road safety at etikal na pagmamaneho.Ang lisensya ay hindi dapat tingnan bilang karapatang basta makukuha o madadaan kahit sa fixer lang, kundi pribilehiyong kailangang paghirapan at panindigan. 


Kung mas mahigpit ang proseso, masisiguro nating tanging may sapat na kakayahan, disiplina, at responsibilidad lamang ang makapagmamaneho.


Huwag nating hayaang maging kanlungan ng kapabayaan ang maluwag na sistema. Sa halip, pairalin natin ang istriktong pamantayan — hindi upang pahirapan ang mga nagnanais magmaneho, kundi upang protektahan ang buhay ng lahat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page