Manyakis na lolo, huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2024
GUIMARAS -- Isang manyakis na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Sibunag sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng mga otoridad sa alyas na “Lolo Kiko”, 68 at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng lolong rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusang sumama naman sa mga otoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments