top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Manyak na tricycle driver, wanted

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 21, 2021


CAPIZ—Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang manyak na tricycle driver dahil sa tangkang panggagahasa sa isang dalagita kamakalawa sa Roxas City.


Ang biktima ay itinago ng pulisya sa pangalang “Ruby”, 14-anyos, residente ng nasabing lungsod.


Ayon sa biktima, sumakay siya sa pinapasadang tricycle ng hindi nakilalang suspek at nagpahatid sa kanilang bahay, pero pagdating sa liblib na lugar ay inihinto ng driver ang sasakyan at tinutukan siya ng patalim.


Nabatid na akmang gagahasain na ng driver si “Ruby” ay biglang nanlaban ang biktima, nakapiglas at nakatakbo palayo sa lugar, at dahil sumisigaw ng saklolo ang dalagita ay tumakas na ang suspek.


Patuloy pa ang manhunt operation ng pulisya para madakip ang suspek.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page