top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Manyak na rider, gumagala

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 3, 2023


AKLAN – Isang manyak na rider ang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa panghihipo sa dibdib ng isang dalaga, kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang biktima ay itinago sa pangalang ‘Maribel’, 22, residente ng nasabing bayan.


Ayon sa biktima, habang naglalakad siya, kasama ang kanyang tiyahin sa naturang lugar ay biglang huminto sa tabi niya ang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo, at pagkaraan ay hinipo ang kanyang dibdib.


Nabatid na sumigaw si ‘Maribel’ at kanyang tiyahin na manyakis ang suspek at sa takot ay mabilis na tumakas ang lalaki lulan ng kanyang motor.


Napag-alaman na nagsampa na si ‘Maribel’ ng kasong Acts of Lasciviousness laban sa suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page