Search
  • BULGAR

Manliligaw na tibo, ka-compatible kaya puwedeng makatuluyan

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 28, 2021



Dear Maestro,


May kaibigan akong tomboy at ngayon, nagulat ako kasi nililigawan niya ako. Noong una kasi, akala ko ay babae siya dahil mas maganda pa siya sa akin, pero inamin niya na tomboy siya. Alam mo, Maestro, kung anu-anong regalo at panunuyo ang ginagawa niya sa akin at ang sweet-sweet niya kaya parang nahuhulog na nang husto ang loob ko sa kanya.


Nais kong malaman kung compatible ba kami at kung sasagutin ko siya, magiging masaya at pangmatagalan ba ang papasukin naming relasyon? Sa totoo lang, nakakahiya mang aminin, gusto ko na rin siya at nai-in love na rin ako sa kanya. October 30, 1994 ang birthday ng kaibigan ko at October 18, 1994 naman ako.


Umaasa,

Ms. Libra ng La Paz, San Narciso, Zambales


Dear Ms. Libra,


Ayon sa birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9), sa destiny number na 6 (10+18+1994=2022/ 20+22=42/ 4+2=6), sa zodiac sign na Libra, sadyang katugma at ka-compatible mo ang iyong kaibigang tomboy. Ito ay dahil ang birth date niyang 30 o 3 (3+0=3), sa destiny number na 9 (10+30+1994=2034/ 20+34=54/ 5+4=9) sa zodiac sign na Scorpio ay suwetong-suweto at compatible talaga kayo sa isa’t isa.


Kung saan Ms. Libra, ayon sa inyong mga datos, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkatulyan ng kaibigan at manliligaw mong tomboy sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.


Ibig sabihin, kung ang iba ay nakatagpo ng maligayang pagsasama sa opposite sex, sa kaso n’yo naman ay sadyang kakaiba at pambihira, kung saan kahit na “same sex” ang inyong relasyon, nakatakda na ang magaganap – may maligaya at matagumpay na pagmamahalang itatala sa inyong karanasan, na mangyari at tunay namang maganap sa buwan ng Marso o Abril sa taong kasalukuyan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.