Manhunt sa bagets na member ng 'Akyat-Bahay'

@Balitang Probinsiya | February 8, 2021
AKLAN—Isang binatilyong miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang pinaghahanap ngayon ng pulisya dahil sa panloloob kamakalawa sa isang bahay sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng suspek at kung saan ito matatagpuan.
Ayon sa biktimang si Robert Villanueva, nagising siya para umihi at nagulat siya nang makita ang isang binatilyo sa loob ng kanyang bahay na biglang tumalon sa nakabukas na bintana ng kanilang bahay.
Nabatid na natangay ng suspek ang cash at iba pang kagamitan ng biktima.
Puspusan ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad para madakip ang suspek.



Comments