top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mangingisdang sinaksak sa leeg, tepok

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 06, 2020



Bohol—Isang mangingisda ang namatay nang saksakin sa leeg ng kanyang kaibigan kamakalawa sa Bgy. Cogon, Tagbilaran City.


Kinilala ang biktima na si Noel Alverio, samantalang ang suspek ay si Clifford Monton, kapwa residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nakahiga si Alverio malapit sa gilid ng dagat ay nilapitan ito ni Monton at agad sinaksak sa leeg na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.


Kusa namang sumuko sa pulisya si Monton matapos ang pananaksak sa biktima.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page