Mangingisda, todas sa kidlat
- BULGAR
- Aug 21, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 21, 2023
BILIRAN -- Isang mangingisda ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Buyo, Kawayan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Reynaldo Luna, nasa hustong gulang, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nangingisda sa dagat si Luna nang biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama kay Luna ay agad itong namatay.
Sa pagsusuri ng mga awtoridad ay nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima na siya nitong ikinamatay.



Comments