Mangingisda, todas sa kidlat
- BULGAR
- Nov 8, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 8, 2021
AKLAN--Isang mangingisda ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa baybaying dagat ng Bgy. New Buswang, Kalibo.
Ang biktima ay kinilalang si Gabriel Inan, 23-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa baybaying dagat ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burrs sa katawan at nawalan ng ulirat ang biktima.
Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments