top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mangingisda, timbog sa boga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 30, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 30, 2023


CAMARINES SUR -- Isang mangingisda ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril kamakalawa sa Bgy. Vito, Siruma sa lalawigang ito.


Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa alyas na “Raffy”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakaaway ni “Raffy” ang kanyang bayaw kaya binunot nito ang kanyang baril at itinutok sa hindi pinangalanang biktima.


Agad humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kaya rumesponde ang mga awtoridad saka dinakip ang suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page