Mangingisda tepok sa kuryente
@Balitang Probinsiya | March 24, 2023
AKLAN—Isang mangingisda ang namatay nang makuryente kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. Sibalew, Banga sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jhonny Zonio, 51, at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, ang misis ni Zonio ang nakatagpo sa bangkay nito na nakalutang sa sapa.
Nabatid na huling nakitang buhay si Zonio habang nangingisda sa sapa gamit ang panguryente sa isda sa sapa.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ay napag-alaman na napahawak si Zonio sa live wire ng panguryente sa isda kaya ito nakuryente sa sapa.



Comments