Mangingisda, sinaksak sa mukha
- BULGAR
- Feb 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 24, 2023
QUEZON—Isang mangingisda ang nasa kritikal na kondisyon matapos saksakin sa mukha ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Calimpak, Guinayangan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si John Kenneth Mayo, 29, samantalang ang suspek ay si Sergio Zaraga, 47, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon, nakatayo umano si Mayo sa iskinita sa kanilang lugar nang sumulpot ang suspek at agad sinaksak sa mukha ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip din siya ng mga nagrespondeng mga tauhan ng pulisya.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong frustrated murder at sa ngayon ay nakapiit sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments