top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mangingisda, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 21, 2023


CAMARINES SUR — Isang mangingisda ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng sapa sa Bgy. San Vicente, Bato sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Rafael Reyes, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.

Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalakad patungo sa sapa para manghuli ng isda.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para malaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page