top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mangingisda natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 18, 2023



QUEZON—Isang mangingisda ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng ilog na sakop ng Bgy. Pansoy, San Andres sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marcelo Piga, 62, at nakatira sa nabanggit na bayan, Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng ilog sa nasabing barangay.


Napag-alaman na huli umanong nakitang buhay si Piga na nakasakay sa kanyang maliit na bangka at nangingisda sa naturang ilog.


Dahil dito, ayon sa pulisya ay posible umanong tumaob ang bangka ng biktima kaya ito nalunod at namatay sa ilog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page