May kasong child abuse nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 27, 2023
ZAMBALES—Isang wanted na may kasong child abuse ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Subic sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa ginawa nitong pang-aabuso sa isang bata sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad ang suspek na gumagala sa naturang lugar kaya agad itong dinakip.
Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek at hindi na siya nanlaban nang arestuhin sa nasabing lugar.



Comments