Mangingisda nagbaril sa sentido
@Balitang Probinsiya | Pebrero 27, 2023
MASBATE—Isang 47-anyos na mangingisda ang umano'y nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Nazareno, San Pascual sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si alyas Mar, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakarinig umano ng putok ng baril ang mga kamag-anak ng biktima at nang puntahan ang kuwarto ng biktima ay dito natagpuan ang duguang si 'Mar' na may tama ng bala sa sentido at nasa tabi nito ang isang baril.
Agad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments