top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mangingisda, dedo sa 2 kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 10, 2024


QUEZON -- Isang mangingisda ang pinatay sa saksak ng dalawa niyang kaalitan kamakalawa sa Brgy. Dinahican, Infanta sa lalawigang ito.

 

Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima at dalawang suspek habang iniimbestigahan pa ang naganap na krimen.

 

Ayon sa ulat, habang nagtatalo ay naglabas umano ng patalim ang biktima at tinangka nitong saksakin ang dalawang suspek.

 

Sinabi ng mga saksi na naagaw umano ng mga suspek ang patalim at ito ang ginamit sa pananaksak at pagpatay sa biktima.

 

Nabatid na sinampahan na ng pulisya ang dalawang suspek ng kasong homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page