Mangingisda dedbol sa suntok
@Balitang Probinsiya | Enero 24, 2023
QUEZON—Isang mangingisda ang namatay sa suntok ng kapwa niya mangingisda kamakalawa sa Bgy. Kuyaoyao, Calauag.
Ang biktima ay si Raymond Abano, 37-anyos, samantalang ang suspek ay si Daniel Castro, nasa hustong gulang, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagsuntukan si Abano at ang kapatid ni Castro hanggang tumulong ang suspek at sinuntok nito ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng suntok ay natumba ang biktima at nabagok sa sementadong kalsada ang ulo nito.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, nakatakas ang suspek.



Comments