Mangingisda, arestado sa droga
@Balitang Probinsiya | September 25, 2023
BACOLOD CITY -- Isang mangingisda ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Sitio Makawiwili, Brgy. Punta-Taytay sa lungsod na ito.
Ang inarestong suspek ay kinilala ng pulisya na si Vic Gersabalino, 38 at residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nadakip si Gersabalino sa isinagawang buy-bust operation nang pagbentahan ng suspek ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon si Gersabalino sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments