Manager patay sa hit and run
@Balitang Probinsiya | November 9, 2022
PALAWAN—Patay manager nang ma-hit and run ng trak kamakalawa sa national highway ng Bgy. San Rafael, Puerto Princesa City.
Kinilala ang biktima na si Agnes Manuel, nasa hustong gulang at manager ng Community Economic Ventures Incorporations sa lalawigan.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakakita na habang lulan ng kanyang motorsiklo si Manuel ay aksidenteng nabangga ito ng trak.
Nabatid na imbes huminto, ay tinakasan ng driver ng trak ang pagkakabangga niya sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng trak upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, damage to property at obstruction of justice.



Comments