Manager natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | March 20, 2023
BUKIDNON—Isang banana plantation manager ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Casisang, Malaybalay City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roger Balista, 46, nakatira sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman na may tama ng isang bala sa ulo ang biktima.
Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang kay Balista at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng salarin.



Comments