top of page

Malinaw ayon sa birthday... Mag-live-in partner, magkakatuluyan kahit wala pang balak magpakasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 27, 2020



Dear Maestro,


Two years na kami ng boyfriend ko na isinilang noong August 16, 1987 at ako naman ay isinilang noong November 29, 1989. Gusto kong malaman kung compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan, at kung oo, kailan kami ikakasal?


Sa ngayon, wala pa kaming balak magpakasal dahil nag-iipon pa lang kami, pero nagsasama na kami na parang mag-asawa. Sana ay masagot n’yo ang tanong kong ito dahil nag-aalala rin ako na baka matulad ang love life ko sa mga kapatid kong matagal nakisama sa mga boyfriend o live-in partner, pero naghiwalay din sila.


Umaasa,

Vanity Fair ng Calumpang, Indang, Cavite

Dear Vanity Fair,


Ayon sa birthday mong November 29, 1989, ikaw ay nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, sa birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) sa destiny number na 4 (11+29+1989=2029/ 20+29=49/ 4+9=13/ 1+3=4). Habang ang boyfriend mo naman na isinilang noong August 16, 1987 ay nagtataglay ng zodiac sign na Leo, sa birth date na 7 (ang 16 ay 1+6=7), sa destiny number na nagkatong four (4) din tulad mo (8+16+1987=2011/ 20+11=31/ 3+1=4).


Ibig sabihin, sa Western Astrology, tunay ngang ang zodiac sign mong Sagittarius ay tugma sa zodiac sign na Leo ng boyfriend mo, sapagkat kapwa kayo nagtataglay ng elementong apoy o fire.


Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at 7 o 16 naman ang boyfriend mo (ang 16 ay 1+6=7) ay sadyang compatible rin sa isa’t isa dahil ang numerong 2 at 7 ay parehong weak number at kapwa pinangingibabawan ng elementong tubig o water sa planetang Moon-Neptune.


Samantala, ang pagiging magka-compatible n’yo ng boyfriend mo ay lalo pang pinagtibay nang nagkataong kapwa kayo nagtataglay ng destiny number na 4.


Dahil sa mga datos na naturan, walang duda na kayo na nga ang magkakatuluyan at ayon sa inyong Love Calendar, tinatayang ang inyong pag-iisang dibdib ay magaganap sa 2021 sa buwan ng Mayo o Hunyo, sa edad mong 32 pataas at 34 naman ang boyfriend mo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page