top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mahiyain pero atat mag-asawa, dapat palakasin ang loob gamit ang lucky color

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 31, 2020



Dear Maestro,


Ang problema ko ay tungkol sa love life. Sa edad kong 36, gusto ko nang mag-asawa dahil natatakot akong tumandang dalaga, kaso hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend.


Makapag-aasawa pa ba ako, at kung oo, sa paanong paraan? Sa totoo lang, medyo mahina ang loob ko, mahiyain kasi ako at hindi gaanong palakaibigan at aloof din ako sa mga tao, lalo na sa kalalakihan. April 29, 1984 ang birthday ko.

Umaasa,

Dolores ng San Guillermo, Morong, Rizal

Dear Dolores,


Ang mga taong isinilang sa petsang April 29 tulad mo ay sadyang isinilang na mahina ang loob at dahil dito, kulang o madalas ay wala silang tiwala sa kanilang sariling kakayahan. Dagdag pa rito, may pagkamahiyain din sila at takot sa lipunan o tao.


Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila makapag-asawa sa takdang panahong inilaan ng kapalaran o sa ibang salita, natatagalan bago sila makapag-asawa tulad ng nagaganap sa kasalukuyan mong kapalaran.


Upang makapag-asawa at lumigaya, kailangang palagi kang magsuot ng paborable mong kulay na magpapalakas ng iyong loob, tulad ng pula para sa zodiac sign mong Taurus.


Bukod sa pula, puwede ka ring magsuot ng dilaw at berde para naman sa birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at sa destiny number mong 1 (4+29+1984=2017/ 20+17=37/ 3+7=10. 1+0=1), bagay na bagay din sa iyo ang dilaw. Ibig sabihin, susuwertehin ka sa sandaling palagi kang gumamit at nagsuot ng nasabing mga kulay. Ganito ang paggamit:


Pula ang isuot mo kapag sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Samantala, dilaw naman ang isuot o gamitin mong kulay tuwing sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes, Linggo at Sabado. Habang ang kulay na berde ay puwede ring pamalit kapag sawa ka na sa dilaw.


Habang ka-compatible mo naman silang mga isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio, Libra at kapwa mo Taurus. Makipagkaibigan ka sa mga lalaking nabanggit, lalo na silang may mga birth date na 7, 16, 25, 6, 15, 24, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.


Sa sandaling nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit, tiyak ang magaganap. Hindi matatapos ang 2020, pinakamatagal na sa first quarter ng 2021, sa edad mong 36 pataas, tiyak ang magaganap – magkaka-boyfriend ka na ng lalaking medyo maskulado ang pangangatawan o medyo mataba na malaki ang tiyan, hanggang sa tuluyan ka nang magkapag-asawa at magkaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page