top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magtiyuhin, dedbol sa ambulansiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 21, 2020



TARLAC—Patay sa aksidente ang magtiyuhing negosyante nang mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Laungcupang, Lapaz.

Nakilala ang magtiyuhing biktima na sina Randy Halili, 32-anyos at Noel Halili, 24-anyos, kapwa residente ng Bgy. Cutcut 2, Tarlac City.


Ayon sa ulat, nag-deliver lang ng kanilang paninda ang magtiyuhin at pauwi na sila lulan ng tricycle nang aksidenteng mabangga ng ambulansiya.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Napag-alamang nasugatan din sa aksidente ang hindi pinangalanang driver ng ambulansiya at sa ngayon ay sinampahan na ito ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page